Dahil sa epekto ng pagbabago ng klima, mas tumatagal at mas tumitindi ang wildfire season sa California na inilalagay sa panganib ang mga tahanan, buhay at ekonomiya natin. Kaya mahalagang paghandaan ang paunang planong pang-emergency kung sakaling apektado ang pamilya mo ng power shutoff – o anumang iba pang emergency.
Narito ang ilan sa mga simpleng hakbang na magagawa mo para tumulong sa paghanda para sa panahon ng wildfire at mga Public Safety Power Shutoff:
Tiyaking may-kaalaman ka sa lahat ng naaangkop na mga gabay pangkaligtasan at mga tagubilin ng gumawa para sa backup na pinagkukunan ng kuryente o iba pang supply ng emergency kit. Mahalagang huwag isapanganib ang sarili mo o pamilya mo sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagay na ito nang hindi tama.
Magkakaiba ang bawat kalagayan. Magpapasya ang iyong lokal na kumpanya ng kuryente na putulin ang kuryente sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga kalagayan ng panganib ng local na sunog sa buong California at isasaalang-alang nang sama-sama ang panahon at mga salik pangkapaligiran. Maaaring kabilang dito, ngunit hindi lamang ang
Mananatiling walang kuryente hangga’t nagbabanta ng sunog ang masama at mapanganib na mga kalagayan ng panahon. Pagkatapos ng Public Safety Power Shutoff, ang iyong kumpanya ng kuryente ay magsusuri at magkukumpuni ng mga linya ng kuryente at kagamitan upang ligtas na maibalik ang kuryente.
Depende sa kalalaan ng panahon at iba pang mga salik, maaaring tumagal ang pagkawala ng kuryente nang ilang oras o maraming araw – kaya mahalagang magkaroon kayo ng pamilya mo ng planong pang-emergency.
Southern California Edison (SCE) Bisitahin ang sce.com/PSPS
Sa pamamagitan ng Telepono: 1-800-655-4555
San Diego Gas & Electric Company (SDG&E)
Bisitahin ang sdge.com/wildfire-safety
Sa pamamagitan ng Telepono: 1-800-411-7343
Pacific Gas and Electric Company (PG&E)
Bisitahin ang pge.com/wildfiresafety
Sa pamamagitan ng Telepono: 1-866-743-6589